Sunday, November 11, 2012

Halloween Story..

Nagising ako sa ring ng cellphone, tiningnan ko muna ung oras bago ko sagutin. Gabi na pala, si gf yung tumatawag.

"Hello babe?" bati ko.

"Asan ka na? Diba sabi ko sa'yo wag mo kalimutan yung halloween party?"

Patay. Nakalimutan ko ngayon nga pala yun, "Ah syempre hindi ko nakalimutan, busy lang ako sa pagpili ng costume kanina, papunta na ako diyan." binaba ko na yung phone sabay naghalungkat agad ng pwede ko suotin sa mga damit ko.

Wala akong ibang nakita kundi puro mga brief at boxer shorts. Di naman sa nagmamayabang pero mahilig ako maghubad lang dahil sa ganda ng katawan ko. Pero ayoko naman magmukang mayabang sa harap ng mga kaibigan ng gf ko. At ang tema din daw ng party ay Halloween Fun.

Dahil wala akong mkitang matinong susuotin ay tumingin ako sa mga gamit ni gf. Ang nakita ko lang ay ang mga napkin nyang hindi pa gamit. Nakaiisip tuloy ako ng idea, kumuha ako ng scotch tape, nilagyan ko ng tape yung mga napkin nya tapos pinagdidikit ko sa katawan ko. Kumuha ako ng ketchup sa ref at pinahidan yung mga nakadikit na napkin sa katawan ko. Nilagyan ko rin ketchub ang bibig at baba ko para kung may magtanong, ako si NAPKIN MONSTER! oh diba masaya? Halloween Fun talaga. Alam naman ng gf ko at mga friends nya na joker ako kaya acceptable na to.

Sumakay na ko sa kotse at dumeretso sa bahay niya. Pagdating sa may pintuan ay nakita kong medyo nakabukas ang pinto. Naisip ko sorpresahin ang gf ko kaya tineks ko sya na nasa harap na ko ng pintuan. Todo costme na ko, nakaboxer shorts tapos puno ng napkin ang katawan ko na may mga ketchup. Feeling ko talaga matatawa gf ko nito pati mga kaibigan nya.

Nang may narinig akong papalapit sa pinto, naisip ko si gf na yun kaya sinipa ko ang pinto at sumigaw ako ng parang nagkakarate, "HIIYAAAAAAH!!"

Ngunit sa aking pagkakamali, hindi pala si gf ang nasa likod ng pinto. Ang mama niya. Di ko pa talaga nameet ang family nya dahil bago lang kami ni gf, so eto ang unang encounter ko sa mama nya. Nakasuot ng parang witch ang mama ni gf, habang naka karate pose pa ko sa harap ng mama ni gf, suot ang costume kong NAPKIN MONSTER! Parehas kaming speechless. Super hiyang-hiya ako.

Dumating rin si gf at pinaliwanag sakin na ngayon nya pala ako papakilala sa family nya. Akala ko friends pero relatives pala at family's friends ang andun. Kaya ako ayon, mano sa parents nya, sa lola't lolo nya kahit sobrang nahihiya na talaga ako dahil suot ko pa rin ang costume kong Napkin Monster hanggang sa kahuli-hulian ng party.

(fiction)

Sunday, November 4, 2012

Second Year Classmates


Mga listahan ng naging classmate ko nun 2ndyear highschool ako. Section 3 ako nun


Addbot: kaklase ko pa rin to, medyo naadik na yan sa online games lalo na sa Gunbound. Nagkacrush rin pala to sa isa sa mga section 1, ang hinayupak di man lang nagsasabi. Marami pa rin nagkakagusto dito. Bakla man o hayop walang sinasanto. Pero sya suplado type pa rin.

Daniel: "Boy-Baho" tawag sa kanya ewan ko kung bakit pero hindi naman sya mabaho. Magaling magbasketball, sya madalas magbansag ng mga pangalan samin. Tinawag nya akong Bibo dati na naging pangalan ko na hanggang ngayon.

Joshua: Matangkad, medyo mataba, malaki katawan akala ko nga kasali sya sa mga gang dyan sa kanto nung unang kita ko, hindi pala. Mabait yan kahit sapakin mo tatawa lang sayo, sya rin President ng klase namin. Lagi malas sa pag-ibig dati pero lagi pa rin nakangiti.

Robin: "Tozka" madalas pang asar sa kanya dahil sa pangalan ng klasmate namin na crush nya na hindi naman nya talaga crush, pinang asar ko lang. Feeling pogi to, lahat ng feeling nasa kanya na kahit feeling pangit. Wala kang laban sa payabangan tas pag natatalo na sya ipapasok nya na yung perpektong kuya nya sa usapan.

Rolando: sya ang "Soulmate" ng lahat ng magagandang babae sa lupa, yun yung sabi nya. Marami rin syang crush at lahat yun soulmate nya. Kaya kung ikaw ay isang magandang babae pinapakilala ko nga pala sayo ang soulmate mo, si ROLANDO.

Francis: Mataas tumalon to, dati nakayuko lang ng unti si Joshua(pero malaki pa rin) tinalunan nya, easing easy lang sa kanya nakataas pa ang mga paa nito, namangha naman kami animo'y mga batang nakakita ng nagcicircus. Masaya rin kasama, "Budaymo" yung bansag sa kaya dahil sa apelyidong Budaismo ata yun. Lumipat rin sya ng school nung 3rd grading period na.

Jerome: Sya yung bangag kong kaklase, madalas di pumapasok para maglaro ng computer, tinuring akong karibal sa crush nyang si Arriane na akala nya may crush ako, wala naman.

Mariz: "Lolo" tawag namin sa kanya dahil sa muka itong lalaki at maraming uban, lalaki rin ang boses nito. May crush kay addbot pero nung bandang huli na nalaman ko may crush pala sakin kaya pala. Muntik na rin akong mapakanta ng "This Guy is inlove with you, Pare"sa twing kasama ko sya.

Jean: Kaasaran ko dati, tawag ko sa kanya "Kastila" kasi may balat sya sa noo tinanong ko kung para san sabi nya simbolo daw na may lahi syang kastila, tawag naman nya sakin dati "nuno" dahil maliit ako. Pero ngayon bati na kami nyan. Mataba sya dati ngayon sexy na.

Jon Rex: Ang lupet ng pangalan no? Parang ang pogi, pero bakla yan muka pang unggoy."Homo Erectus" 
ang bansag namin. Makapal rin ang muka nito at madalas magbalita ng mga tsismis. Sabi nya dati boyfriend nya daw si addbot at sabay silang matulog tas kabit rin daw nya si Robin. Kaya inis na inis mga lalaki ng section 3 sa kanya. Madalas rin syang pagtripan ni Jerome lalo na pag natutulog sa klase.

Sila ang mga naging klasmate ko nung 2ndyear, unti lang kaming lalaki. nung 3rd year lang dumami eh.

Thursday, November 1, 2012

First Year Classmates


Ito ang mga listahan ng mga klasmates kong nung highschool sa SFHS at ang mga pagkakakilanlan ko sa kanila. Section 3 ako nun. Yung iba di ko na sinulat yung apelyido dahil prive pero yung iba nakalisata dahil sa nakakatuwang dahilan. Ito po sila:


Christian: "Addbot" tawag namin sa kanya, magaling magcounter kaya binansagan ko nalang nalang ng addbot pero minsan nasasak ko na yan(sa laro). Marami nagkakagusto sa kanta pero ayun suplado kaya lalo tuloy dumami.

Edward: nakalimutan ko na tawag namin sa kanya dati ang alam ko lang muka syang kabayo, ang haba kasi ng nguso. Sya madalas ang pinagtritripan samin. Malibog to, walang sinasanto basta babae. Malakas ang imagination pag dating sa babae kaso hanggang imagination lang sya.

Jeron: "Pikas" madalas ang tawag namin sa kanya dahil sa katunog ng apelyido. Minsannaman "Bola-bola" may pula kasi sa batok yung parang sa siopao, sabi nya balat daw.

Jansel: Anak ng teacher, madalas magpatawa samin, adik rin sa chess na hanggang ngayon di ko pa natatalo. Simpleng malibog din to, madalas magtago sa kabinet na nakaharang kung san nagbibihis ang mga babae pag PE time.

Rodrigo: Galing probinsya, nakatira sya sa kanyang "Guardian Angel"(guardian nya yun nilagyan lang nya ng angel) na tito nyang mayaman. Gusto nya daw maging boksingero pag laki. One time niyaya namin at tinuruang mag arcade, naadik naman kami na lagi niyaya.

Viktor: Transferee, maganda rin yung apelyido nya basta tagalugin mo lang yung "Passfort". Madalas kasama ni Jansel kaso pinagtritripan lang sya nun. Nabugbog na rin to Rodrigo, nakatikim ng 1 & 2 combination umiyak tuloy tas nagsumbong sa kuya sinamahan ko pa nga eh. Kuya nga malaki katawan ewan ko nga ba kung bakit sya mukang patpatin

Mark Anthony: "Onse" ang kadalasang tawag sa kanya dahil sa onse ang kanyang kamay este daliri pala, bonus nya ata kay papa Jesus. Nabugbog na rin to ni Rodrigo sa di malaman na kadahilanan, munti ng mamatay dahil di makahinga, na FPJ kasi ni Rodrigo.

Julio: Ang kaklase kopng intsik na mahirap lang. Magaling sa sipa at magaling rin tumakbo sa oras ng klase. Mga lower section madalas kasama. Masaya rin kasama kasi madalas magpatawa at malibog rin.

Oliver: "Gabuteromon" ang tawag ko sa kanya. Gabutero kasi apelyido kapalan nung monster sa digimon na si gabuteromon. May unting pagkabakla, mahilig rin sa F4, nagbenta kasi ako dati nun nga mga F4 playing cards at kung anu anung gamit na F4, sya ang pumakyaw. Nakita ko sya nung nagcollege ako sa Adamsom, ganun pa rin di pa rin naglaladlad.

Dungao: Apelyido nya yan, nakalimutan ko na yung pangalan eh. Madalas mag-isa, minsan naman kasama ni Jansel. Magaling magdrawing ng anime. Sa tingin ko malibog to eh tinatago lang.

Ariel: Ang kaklase kong mukang penguin. Minsan lumalaki rin ang butas ng ilong. Minsan nakabasag sya ng bote sa room sakto andun yung adviser namin, tawa lang sya kaso sa di malaman na kadahilan bigla lumaki yung butas ng ilong parang kinabahan. Tinawanan namin ni addbot.

Sila ang mga naging classmate kong lalaki nung first year ako. Wala pa kasi akong close na babae nun kaya hindi ako naglagay dito. Tsaka unti lang lalaki nun, yan lang tas yung babae lampas 30

Tuesday, October 30, 2012

Grade School Days

Nagtapos ako ng elementary sa G.S.I.S. Village Elem. School, public lang yan maliit pa. Tas yung mga C.R. may sariling atmosphere. May buwaya rin daw na nakatira sa fish pond namin pero ayaw magpakita, mahiyain ata eh, balita ko nga Vegetarian daw. Meron rin ako nabalitaan dati na may estudyantend pinutulan daw ng ulo tas nilagay sa sako sa likod ng building namin, nakita ko nga yung sako eh kaso wala na yung estudyante umuwi na ata sa kahihiyan. Yan yung mga kababalaghang nangyari nung nag aaral ako dun dati. Pero di pa jan natatapos adventure ko.

Kindergarten
First time ko mag aral, sa rookm maraming umiiyak na bata kasi gusto nila yung mama daw nila, ang iingay naiinis nga ko eh gusto ko kasi ako lang yung umiiyak. Lagi rin kaming pinapakanta ng "ABCD" akala ko tuloy yun yung pambansang awit ng pilipinas.

Grade 1
Mejo maayos na sulat kamay ko tas kabisado ko na rin yung ABCD, tinuruan na rin kami kumanta ng Lupang Hiniran. Malinaw na sana sakin lagat eh kaso ang hindi ko lang maintidihan eh ung "
Panatang Makabayan", hindi ko alam kung kanta nga ba talga un o rap. Dito rin ako nagkaroon ng unang crush(ayiiee). Maganda sya pangit ako, mayaman siya mahirap lang ako, mataba siya payat ako. Dun ko nalaman na ang saklap pala ng kapalaran. Buti nalang hindi ako naging emo. Ang ambisyon ko nito ay ang maging Piloto, hindi ko pa alam ibig sabihin nun narinig ko lang kasi sa isang bata.

Grade 2
Dito ko nalaman na matalino pala ako pero ayaw ko lang ipahalta kasi tamad ako, pero nahalata ng iba kong kaklase kaya nagkopyahan sila nung test na. Pero minali ko mga sagot ko kaya bagsak sila pati ako. Nag-iba na rin yung crush ko, maganda pa rin pero hindi na mataba, payat na ang kaso lang matangkad sakin eh. May kaklase rin akong malibog palibhasa sya kasi leader ng klase, kunwari nagwawalis tas pag may dumaan na babaeng klasmeyt namin wawalisin nya ung palda pataas sa likod para makita yung panty. One time dumaan yung crush ko tapos ginawa nya yun, nakita ko kulay pink. Nilapitan ko sya agad tas hinawakan ko sya sa balikat "Jackpot pre" sabi ko sabay apir.

Grade 3
Ito yung time na akala ko nainlove na ako, ang ganda kasi nung crush ko eh. Magtatapat nga sana ako pero nalaman ko na crush rin pala sya ng kaibigan ko kaya di ko na tinuloy. Nagtapat yung kaibigan ko kaso binasted. Nag-iba rin yung ambisyon ko, Astronaut na ang gusto ko maging, nalaman ko kasing pwede ka tumalon ng mataas sa buwan tsaka gusto ko ring malaman kung ano mangyayari sa ihi ko pag umihi ako sa buwan. Ito rin yung time na naging
 teacher's pet ako nun, ako yung taga check ng mga test paper kaya marami akong pera nung panahon na to. Lalapit lang ako sa mga bobo kong klasmeyt tas bubulong ako ng "Hawak ko buhay ng test paper mo" tas bibigyan nila ako ng sampung piso, ok na sakin yun dati makakabili na ako ng sampung sampalok sa tindahan ni aling toyan.

Grade 4
Eto yung pinakaboring na part ng life ko, wala akong naging crush wala tuloy inspirasyon pero lalo ko nalaman na matalino talaga ako kasi madalas na akong di gumawa ng homework dahil alam ko na yun. Madalas din umakyat ng pader mga kaklase ko pag wala kaming teacher at dahil maliip lang ako dati(kahit ngaun maliit pa rin ako) di ako makaayat kaya andun ako maiiwan tas ililipat ng ibang seksyon pansamantala. Pero one time sinubukan ko ayun nakaakyat ako tas may bubog pala sa taas nagkasugat tuloy ako pero ayos lang kasi nakatawid naman ako eh pero yung napadaan na kami sa tapat ng gate ng skul nakita namin yung teacher namin bumaba ng trisikel na late lang pla, muntik ko na mapatay teacher ko nung araw na yun.

Grade 5
Napunta ako sa seksyon 2, akala ko matatalino mga klasmate ko mga mongoloids rin pala. Nagkacrush rin ako sa pangit nung time na to, ewan ko ba pero natutuwa ako pag nakikita ko siya, siguro gusto ko sya sapakin nun. Dito rin ako unang nakaexperience ng
 School Camping, natulog kami sa mga classroom tas bago kami matulog sisilip muna kami sa bintana tas nakatingin sa gate, pag may dumaan na babae, lalaki, bata o matanda sasabihin namin "White Lady" wala kaming pakialam basta while lady yung nakita namin tas magtatago na kami nun dahil sa takot. Pero pag yung teacher namin ang nakita, di pa yun nakakadaan may sisigaw na ng "Andyan na si Panot, retreat!" tapos lahat kami kunwari natutulog. Dalawang oras lang ako nakatulog nung gabing yun. Nung natapos na yung buong pasukan Top ako sa klase.

Grade 6

Naging seksyon 1 ako nito, pinakamataas na seksyon. Sigurado na ako na matalino ako kaya naiisip ko wala ring kwenta magpakitang gilas. Ito ring yung time na sinumpa ko yung bading kong kaklase, naiinis ako sa muka nya gusto ko sya ipapatay,minsan naisip ko ako nalang kaya pumatay sa kanya, mantakin mo ba naman na hubaran ako ng jogging pants sa harap ng mga babae tapos nakita pa nila yung nakakasilaw kong puting brief, sinisisi ko tuloy sarili ko hanggang ngayon bakit di ko sya sinuntok nun. Araw araw simula nun gusto ko hampasin sya ng building pero kulang pa yun gusto ko rin chop choppin yung katawan nya para ipakain sa patay gutom naming kapitbahay. Yung grade 6 rin ako marami akong magagandang kaklase kaya marami rin akong crush, akala ko nga nun playboy na ko kasi marami akong crush, nagalit pa nga ko sa sarili ko nun kasi ayako maging playboy.

yang ang buhay elementary ko..masaya man o malungkot isa lang ang gusto ko, ayako na bumalik sa hinayupak na eskwelahan na yun.

Wednesday, August 22, 2012

Annoying Cat

My family have this cat which I don't really like. Well first I used to like it because before I used to read books where the main protagonist always has cats. Then I thought, I'd like to have a cat.

And voila!

Now I'm annoyed. This cat always asks for food, so I will feed him, he'll eat but only few bits then he'll ask me again. This process keeps repeating forever, so I'll kick him and he won't ask me. *evil smirks*

Monday, August 20, 2012

Love story on video

This is a true story of a girl who wrote to me so I can make a video of her sad love story.



Saturday, August 18, 2012

Must Watch


If you haven't watched this, then you're in for a treat. I wasn't just laughing while watching this, I enjoyed every moments and clips of it.



Friday, August 17, 2012

Some funny jokes

1. DEATH of MR.BEAN’S MOTHER
Mr. Bean: (crying) the doctor just called up, my mom’s dead.
Friend: condolence, my friend.
(After 2 minutes, Mr. Bean cries even louder.)
Friend: what now, Mr. Bean?
Mr. Bean: my sister just called. Her mom died too.


2. I once approached a little girl and asked her, “What do you know about love?” the little girl replied, “Love is when a boy takes you to the park, buys you an ice cream, tells you that you’re the prettiest girl in the whole park and when he sees the ice cream melting thru your fingers, he would gently lick it, look in your eyes, kiss you, put his tongue in, moves his hands towards your breast, kisses your neck while his hands moves all the way down.”
- hahaha. Ang wild na talaga ng mga kids today.

3. When the heart starts beating, there’s really nothing you can do but to heed its call. When the heart starts beating, you are so dead. For sure, you’ll get caught. Sharam daram, dararam!
- Kapag Tumibok ang Puso, English Version.



4. Japanese archeologist digging 100m down found a copper wire says: "Very good! Our great ancestors of 1000 years already had telephones."
Americans dug 200m and found optical cable says: "My God! This means our great forefathers already had broadband 2000 years ago!"
Pinoy digs 500m but found nothing says: "Ang lupit ng ninuno naten... Wireless!"


5. In Europe, where PIETA created by michaelangelo is displayed...
Italian: Magnifico!
English: Brilliant!
Americans: Wow! Amazing!!!
Filipinos: Picture! Picture! Dali! Pang Facebook!


6. Teacher: Now give me the opposite of this sentence, “Children in the dark make mistakes.”
Juan: Mistakes in the dark ma
ke children.


 7. Did you know that the heart has no pain receptor? So the next time that someone breaks you heart, move on. Your pain is just an illusion, a temporary psychological disturbance that you have to overcome. In short it’s all in the mind. In Filipino, inarte lang yan. 

8. Never try to impress someone to make him/her fall in love with you because when you do, you will keep that standard for the rest of your life. Just be yourself. Kung ayaw sa’yo, lasingin mo.

Scenes at the park



Warning: This post may contain some message that may be rude to some Audiences

Eksena sa Park..

Eto ay isang totoong pangyayari ng ako at ang mga kaibigang kong Chinese ay naglalaro ng basketball sa isang park sa New Zealand.

Hindi ko na ipapaligoy ligoy pa ang usapan, deretsahan na. Ganito kasi yon, naglalaro na kami, maya maya ay nakapansin ang isa kong kaklase ng isang mainit na sitwasyon na nagpunta sa nagbabaga at kahindik hindik na pangyayari. naglalaro kami ng biglang

"Hey, look at the people over there, they're kissing" sabi ng isang chinese kong kaklase na ang pangalan ay Ronald(english name nya).

"OoOohH..they're kissing hard out oi" sabi ko naman. 4 kami lahat, ako lang filipino. Medyo nadistract na kami at di na maxado makapaglaro ng maayos.

"Man, why are they doing it on the park?" sabi naman nung isa kong classmate na half chinese half cambodian na si Solomon.

"That guy is lucky eh?" sabi ng isa, Yuwen pangalan. Mga 50feet+ lang ang layo nila samin. Medyo painit ng painit na nga yung ginagawa nila eh. Tas hindi rin kami nagpapahalata na lagi kaming tumitingin, hindi mapigilan eh. Pero ako iba ako eh

"Stop looking man, concentrate in the game!" sabi ko sa kanila kaso tingin pa rin.

Ronald: "I am concentrating" sa iba naman nakaconcentrate, pagkatapos nun lalo uminit.
Yuwen: "Look! the guy is trying to make a hole in his pants" mejo di ko naintindihan nung una pero nagets ko rin.
Solomon: "Oh sh*t! he's masterb****g" pagkatingin ko....tsk tsk tsk..alam ko na punta nito, isip isip ko. Kaso nasa park kami eh, uu mga igan nasa park kami kaya naisip ko imposible na gawin nila yun(alam nyu na yun kung anu gusto sabihin).
ME: "Are we still playing or not?" kaso mukang nalilibugan na si Ronald.
Ronald: "I can't take it anymore, im getting..getting..i dont know how to say it in english"horny yung gustong sabihin di nya lang alam. tas nun kinuha yung bola pumunta sa kabilang ring mas malapit kasi yung view. pag tingin ko dun ko na nakita ang kahindik hindik na pangyayari, uu mga igan ginawa nila ang karumal rumal na krimen na ngayon ko lang nakita, live action kung tawagin. Parehas silang nakaupo pero yung babae nasa taas tas bumabayo, pero nakasuot parin ang mga damit nila hindi nila tinanggal.
Me: "F**k! Man they're doing it now, look at them" di ako nakapagtimpi na magsalita, pero natatawa ako na ako nun.
Yuwen: "We already know that" kanina pa pala yun, medyo ang tagal ko rin kasi di tumingin kasi nandidiri na ako.
Solomon: "Tell them to get a room"
Ronald: "I cant take it.. I want to get it out" nagwala na, binabato na yung bola sa rin
Me: "Easy man, dont blame the ball. You wanna take it out? Go ask them if you can join maybe they still have some room" tawanan kami. Tapos usap usap lang kami di na kami naglalaro pero hawak pa rin namin yung bola minsan sumisilip sa nagaganap na live action tas yung mga kaklase ko naman minsan nag uusap ng intsik. Di nagtagal natapos sila mukang nanghihina yung lalaki pero yung babae masigla.

Solomon: "Lets throw the ball to them and then get it" joke lang nya yun sa kanya yung bola eh nagbibiro lang pero binalak ko syang lokohin
Me: "Go throw it man, then i'll get the ball for you" sabi ko pero ala talaga ako balak kuhain, tas kala ko pumayag biglang nagduda hindi na tinuloy. Pagkatapos nun umalis na kami, hindi matigil ang asaran namin sabi ni Ronald swerte daw nung lalaki tas sabi ni Solomon bakit daw dun nila ginawa yun siguro wala silang kwarto. Sa tingin ko eh nag init talaga sila kaya naisipan nilang ituloy ang karumal rumal na pangyayaring iyon, hayy buhay nga naman, pero yung dalawang yun ay hindi asian at hindi rin puti mga "islander" ang tawag sa kanila dito.

Ganun ang nangyari samin habang naglalaro sa park, simula nun di na kami madalas maglaro dun, pero sa twing maglalaro kami ay di pa rin namin mapigilang sumilip sa spot kung saan nangyari ang krimen. Kinabukasan pagkatpos rin ng araw na yun ay absent si Ronald sa klase hindi na namin tinanong kung bakit.

A story of love


THIS IS A VERY SHOCKING STORY...
This is a story from University of the Philippines (Diliman) about a young college girl who passed away last month. Her name was Tiffany. She was hit by a dumper truck. She had a boyfriend named Noel. Both of them were true lovers. They always hung on the phone. You could never see her without her cell phone. In fact she also changed her network coverage from Smart to Globe, so both of them can be on the same network, and save on the cost and get good network coverage. She spent half o f the day talking with Noel. Tiffany's family knew about their relationship. Noel was very close with Tiffany's family. (Just imagine their love). Before she passed away she always told her friends 'If I pass away please bury me with my hand phone' she also said the same thing to her parents.
After her death, people couldn't carry her coffin, I was there. A lot of them tried to do so but still couldn't, everybody including me, had tried to carry the coffin, the result is still the same. Eventually, they called a Feng Shui Master. He took a stick and started speaking to himself slowly. After a few minutes, he said 'THIS GIRL MISSES SOMETHING HERE '. Then her friends told the Master about her intentions to bury her with her phone. He then opened the coffin and places her phone and SIM card inside the casket. After that they tried to carry the
coffin. It could be moved and they carried it into the van easily. All of us were shocked. Tiffany's parents did not inform Noel that Tiffany had passed away.
After 2 weeks Noel called Tiffany's mom and said, 'I'm coming home today. Cook something nice for me. Don't tell Tiffany that I'm coming home today, I wanna surprise her.' Her mother replied... 'You come home first, I wanna tell you something very important.' After he came, they told him the truth about Tiffany. Noel thought that they were playing a fool. He was laughing and said 'don't try to fool me - tell Tiffany to come out, I have a gift for her. Please stop this nonsense'. Then they showed him her grave. Noel said, 'It's not true. We spoke yesterday. She still calls me. Noel was shaking. Suddenly, his phone rang. 'See this is from Tiffany, see this...' he showed the phone to Tiffany's family. All of them told him to answer. He talked using the loudspeaker mode. All of them heard his conversation. Loud and clear, no cross lines, no humming. It was the actual voice of Tiffany & there was no way others could use her SIM card since it was nailed inside the coffin. They were so shocked and asked for the Feng Shui Master's help again. The Master brought his co-masters to solve this matter. He & his co-masters worked for 5 hours. Then they discovered one thing...

GLOBE HAS THE BEST COVERAGE. WHEREVER YOU GO, THEIR NETWORK FOLLOWS. ANG LAKAS TALAGA NG GLOBE... KAHIT NASAAN KA MAN. KAYA GLOBE NA KAYO NANG KAYO AY NAKAKASIGURADONG MALAYO ANG MARARATING
 NINYO. ANG LAKAS MO SA GLOBE!!

SA GLOBE ABOT MO ANG MUNDO